Going Strong at 16
The Library - Going Strong at 16
(Article written by Yoru Osu in 2001, from "Valentino")

malate is the busiest district of Manila during the night. Para ngang hindi natutulog ang lugar na ito, pag patak ng alas-sais pa lamang nagkakabuhay.

Nagkalat kasi dito ang samu't saring mga watering holes o drinking bars. Kilalang-kilala ito ngayon, lalong-lalo na ng mga kabataan at mga yuppies (young professionals) kumbaga hanging out here in Malate is the favorite pastime of Gen X.

Among these seemingly endless array of great bars, only one stands out, ang The Library na matatagpuan sa Adriatico Malate. Bakit naman kaya? Dahil siguro may kakaibang isilo sila sa pangaaliw o sa mainit nilang pagtanggap sa mga parukyano na kinabibilangan ng iba't ibang antas ng tao sa lipunan. O dahil sa dinadayo ito ng mga sikat na entertainment artist sa lokal na industriya tulad nina Regine Velasquez, Dingdong Avanzado, Dessa, Bituin Escalate, Ogie Alcasid, Ronnie Raymundo, Vanna-Vanna at marami pang iba para mag-concert.

Who Started it all?
Taong 1985, matapos gumradweyt ni Andrew de Real, owner of The Library, nang maisipan nitong magtayo ng isang bar. Hindi na ito iba sa kanila dahil halos ganito rin ang pinasok na negosyo ng ibang kapamilya niya. Ayon kay Andrew nai-conceptualize any The Library sa pangyayaring naranasan niya nung College days pa na madalas na napapagalitan sila ng mga barkada niya dahil sa ingay. Kaya naisipan niyang ihalaw dito ang pangalan ng kaniyang bar but with an added twist. Hindi lang pangalan ang ginaya nito kundi pati interiors ng isang library may malaking shelf ng libro na kinapapalooban ng mga lyrics ng kanta na puwede mong awitin, colorful artworks at iba pa.

Nuong mgapanahong iyon kabi-kabilaan na rin sa Malate ang mga restaurant at fine dining establishments. Andrew has to find an edge among them kaya naisipan niyang I-cultivate ang mga talents niyang na-acquired sa college which are of theater indications tolad ng script-writing. And together with his in-house talents nakabuo sila ng iba at original style of entertainment na nagustuhan ng mga tao. Kinagat ang ganitong uri ng pagpapatawa kaya sumibol sina Philip Lazaro, Inday Garutay, Rey Kilay, Leonado Obal, Raging Divas, Matin Mijares at iba pa.

This place became an institution in Malate. Boy Abunda, host of the Buzz was even quoted as saying "malate will be nothing without The Library". Tutuo ito dahil ang mga ibang bars diyan with the same style are mere copycat. Nakakatuwang isipin na kahit nagsulputan na sila still number one pa rin ang The Library.

The legacy continues
Marami sa mga pagpasikat na ngayong comedian at comediennes ay nakapagperform na rito. Ang mga in-house talents ng The Library ay namamayagpag na rin sa boob tude at wide screen because they are known to throw great, raunchy and witty jokes.

Concerts by known artist of the land were already being held here. Kaya naman talagang masasabi nating The Library is versatile and is simply the best. Every show kasi na ginagawa dito ay makakasigurado kang jampacked.

Most recently, Mr. Valentino Search, added an attraction to the Library's long list of shows. Ang palabas ay talagang dinudumog ng mga tao not only by the third sex but also ng mga straights. marami kasing makikitang naguguwapuhang mga lalaki na talaga namang makakapag-painit ng iyong dugo at magpapatuyo ng iyong lalamunan.

Ilan lang ito sa mga patunay ng patuloy na lumalakas ang The Library over the years.

What 2 watch-out
The much awaited event in The Library is its 16th Anniversary which is a week-long celebration slated this coming June 16-20. kung nuong last year ay pinasaya kayo ng mga performance nina Geneva, Chad Borja, Lani Misalucha, Ai-Ai Delas Alas, at Allan K. siguradong mas mapapamahal sa inyo ang mga darating na surprise guest, promising more fun-filled evening this year.

The climax of the week long celebration will be the Golden Book Awards. This is a tribute for the greatest in-house talent of The Library.

The Library at 16 is definitely a must see event of the year. Kaya kung ako sa inyo ngayon pa lang ilalagay ko na ang mga dates na nabanggit sa aking organizer. Or better yet call The Library office to reserve tickets para hindi kayo maubusan.