- The Library
Welcomes Sammy de Hita
- (Article written by
jomarampa in 2001, from "Valentino")
Al Arayata's Show,
Inulan!
Don’t
be surprised mga kapatid kung malaman ninyo ngayon na ang magaling na
stand-up comedian at host na si Sammy (dating taga-Nikolai) ay isa na sa
singkwentang talents ng The Library ngayon. Doon niyo na po siya
mabibisita at sa iba pang bars na kung saan makikita rin ang mga talents
ni Mamu tulad sa Punchline, Ad Lib, Concierto at Lafline. Alam naman natin
na matinding magkalaban ang Nikolai at The Library kung kaya’t
nakakapagtaka ang mga pangyayar. Nito ngang nakaraang Linggo ay isa ang
inyong lingkod sa naka-witness rig unang araw ni Sammy sa The Library.
Applauded ang ating kafatid doon at di rin naman nagpahuli sa mga iba pang
mga kasamahan niya sa tinutuning na circle of talents ni Mamu. When asked
kung ano masasabi niya sa mga nagkakalat na matataray at mayayabang ang
mga talents ni Mamu aniya “Paano nila masasabi ‘yon eh hindi naman
nila nakakasama ang talents dito, they’ve never been a part of the
family kaya mahirap paniwalaan. In fact, ako mismo natakot kasi nga may
naririnig akong ganung balita pero Day! Nung nandito na ako, laking gulat
ko talaga dahil ang sweet nga nila lab na sa mga bagong talents na katulad
ko at very supportive sila at lagi silang nagbibigay ng mga pointers upang
maging mas effective ang pagpapatawa ko. On stage, palulutangin ka nila
para mapansin ka ng audience. Kaya laking pasasalamat ko talaga na part na
ako ngayon ng pamilyang ito.” Matagal ko na ring nirerecommend itong si.
Sammy kay Mamu dahil noon pa man ay bilib na ako sa kakaibang talento nito
sa pagpapatawa at may itsura pa na hahabulin talaga ng mga matrona! Si
Mamu Andrew man ay tiwala tin ma kanya kung kaya’t di na niya pinatagal
pa ang pagtanggap kay Sammy. Alam naman ng lahat that Mamu has an eye for
a star at halos lahat nga ng kanyang mga naging talents ay nagiging
successful sa career nila. Kabadong-kabado si Sammy ng gabing ‘yon.
Nakasama niya agad sa stage sina Kim, Hans at singing songbird ng Library
na si Anton. Riot talaga ang mga eksena at di naman nila pinabayaan si
Sammy. Magandang welcome ang ibinigay ng Library Family at tiyempo pa na
punong-puno ng gabing ‘yon (as always naman eh) at inulan ng tao dahil
concert ni Al Arayata na animo’y may iba;t ibang klase ng hayop sa
katawan! Korek! Lalo na kapag kinanta na niya ang Hotel California, day!
Magbilang ka kung ilang huni ng hayop maririnig mo, paramihan tayo. At ang
boses niya ay di matatawaran. Basag pati apdo mo sa taas nito! Napanood ko
na rin siya sa kabilang channel noon, pero ibang-iba na siya ngayon. May
character na ika nga. Guest niya ng gabing ‘yon sina Kim at raging diva
na si Eva. lnulan as in bumuhos ng tao ate dahil continuous ang dating
nila kahit sabihin mo pa sa kanila ng halos kalahati na ang show ay okay
lang sa kanila ay pasok pa rin to watch the remaining portions of the
show. Nabuo ang gabi ng lola ninyo ng makita ko na dumating ang long time
crush ko na si Christopher Roxas kasama siempre £ng kabiyak ng kanyang
puso na Si Gladys Reyes. Sing to the max si papa Christopher at maganda
pala ang boses niya. Hiyawan siempre ang mga kapatid natin. Day mahal ko
talaga siya! Tsaring! Siempre sing din ang dyowa. Game talaga ang couple
na ito and they made everyone happy that night. Wala man lang ni-konting
ere sa katawan at animo’y tulad lang ng ibang customers. Dumating din
ang bagong sex symbol na si Clutch Marquez na minsang nakasama ni Sammy sa
isang show. He was there to give Sammy moral support dahil first night
niya nga at give
pa siya tip ha! Ganun naman talaga mga bumibisitang mga artista sa
Library, walang kiyeme dahil dito lahat kapamilya.
More power to you
Chris and Gladys at kay Clutch. Ganyan sa Lib, every night di mo ma-expect
mga kaganapan. O di ba, sulit ang ~mga pumunta dahil may wacky emcees ka
na, may concert pa at mga artistang join sa iyo sa pag-sing.
Sa darating na
July 3 ay Grand Finals ng Mr. Valentino 2001. lsang bonggang presentasyon
na naman ito sa tulong ng The Library. Kitakits tayo doon at unahang
mag-uwi ng mga papa! More power and Happy 16th Anniversary sa Library.
|